Isa sa mga pamana ng ating lahi ay ang likhang sining ng mga bantog na Pilipinong Pintor at iskultor. Ang Pilipinas ay biniyayaan ng maraming magagaling na manlilikha na nagpapamalas ng kagalingan ng mga Pilipino sa larangan ng sining na kinilala pati sa ibang bansa.
Bawat manlilikha ay may kanya kanyang layunin sa kanilang ginagawang obra maestra. Ayon sa aking pananaliksik, may apat na pangunahing layunin bakit kailangang pahalagahan ang ating mga manlilikha. Napapalahalagahan ang mga likhang-sining bantog na Pilipinong Pintor at Iskultor, natatalakay ang mga damdaming hatid ng larawan, nasasabi ang mga elemento ng sining na nangingibabaw sa larawan, at nakikilala ang likahang sining kung makatotohanan o di-makatotohanan.

BINANGONAN ni Vicente Manansala
Sa isang sandali, Itinakda ni Manansala na alisin muna ang kanyang inspirasyon sa mga nakikita niya sa Manila tulad ng mga street vendors at iba pang katulad nito at ibaling ito sa kahima-himalang pangunahing mundo. Ipinakita niya ito sa forteng bucolic vistas o pastoral na naguumapaw sa katotohanan. Dahil sa komposisyon ng watercolor na kung saan ay napakalinaw, mga walang takot na pagguhit sa canvas at at malinaw na mga imahe ng kanayunan ay may malaking bagay na naiambag sa nalikha ng pintor, ito ay ang mapukaw ang atensyon ng mga tao. Gamit ang wet on wet na teknik sa paglikha nito, naipakita nito ang pagka interesado niya sa pagpapakita ng malawak na masa ng liwanag at lilim at hindi nagbigay diin sa detalye at kalinawan ng itsura.
Ang galaw ng mga kamay ni Manansala sa pagkukulay ang kanyang nakikitang kagustuhan para sa wet na diskarte-pag basa sa papel upang magkaroon ito ng ilusyon na parang ito’y aksidenteng tumutulong tubig- at ang buod ng pahayag ng mga larawan, ay nagpapahiwatig ng isang pag-aalala para sa balanse sa pagitan ng mood at mode ng kuwadro.
Makikita din na ang punong ginuhit ni Manansala ay halos pare-parehas ang daloy o may planar na kaayusan. Sa pangkalahatan ang mga puno ay putol dahil sa taas nito. Kung gayoy hindi mo ito maitutukoy na puno. Ngunit ang bawat isa ay magkakaroon ng kung ano ang tinatawag ni Manansala na “atmosphere” o kapaligiran. Ang kapaligiran ay ang kalidad ng pag-aalay ng buhay sa mga iba pang komposisyon na tinataglay ng isang kuwadro. This is the quality I call atmosphere. Such a spatial quality, the suggestion of a capacity to move around or through a pictorial object is akin to what (Bernard) Berenson calls ‘tactile values (Manansala, 1974). Ang pagiging simple nito ay bahagi ng apela nito, depende sa nakikita ng lumikha nito.













